• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP handang humarap sa imbestigasyon ng ICC pero dapat may ‘go signal’ sa presidente – Sec Año

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang daw ang makapagsasabi kung pahaharapin o hindi ang Philippine National Police (PNP) sakaling ipatawag ng International Criminal Court (ICC) .

 

 

Ito ay makaraang simulan na ng ICC ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, nakahanda naman aniya ang PNP na humarap sa anumang uri ng imbestigasyon.

 

 

Gayunman, sinabi ng kalihim na dahil sa chain of command ay nakadepende pa rin kay Pangulong Duterte kung hahayaan niya ang PNP na idepensa nito ang mga akusasyong ibinabato sa kanila.

 

 

Siniguro ni Ano na nakahanda ang PNP sa anumang imbestigasyon.

 

 

“The PNP is prepared for any investigation but this is a policy matter where only the President has the authority to decide whether to allow a non-local inquiry or not. Hence, we shall abide the guidance of the President,” pahayag pa ni Sec. Año

Other News
  • Three of the Best Forces in Philippine Cinema Gather in ‘Uninvited’

    PHILIPPINE cinema’s brightest stars come together in ‘Uninvited’, a gripping thriller-drama set to electrify this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) as it celebrates its golden anniversary.     Loading the powerhouse ensemble cast are Aga Muhlach, Nadine Lustre, and the Star for All Seasons Vilma Santos, supported by an impressive lineup that includes RK […]

  • 15 countries pasok na sa 2022 World Cup sa Qatar, 17 spots pa ang pinag-aagawan

    NASA 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar.     Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar.     Narito ang mga bansang […]

  • KRIS, nag-warning sa mga detractors na patuloy na nambu-bully kina JOSHUA at BIMBY

    NAGBIGAY ng warning si Queen of All Media Kris Aquino sa mga detractors niya na kung kinaladkad ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at patuloy na binu-bully online.     Last Sunday, March 7, nag-post si Kris sa kanyang saloobin sa Instagram account in five parts.     Una rito sinabi niya na, […]