• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP heightened alert vs Bagyong Ofel, Pepito

INALERTO na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa laban sa epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito.

 

 

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, simula alas-8 ng umaga kahapon ay inilagay na sa heightened alert status ang lahat ng Police Regional Office sa bansa.

 

Bunsod ito ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Police Regional Office na makipag-ugnayan sa kanilang Lokal na Pamahalaan at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.

 

Sinabi ni Fajardo na pinagana na nila ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa National Headquarters sa Kampo Crame na gagamiting dagdag pu­wersa sa mga maaapektuhang lalawigan.

 

Hindi na kailangan pang hintayin na may madisgrasya bago rumesponde.

 

Naka-full alert pa rin ang Police Regional Office 2 na una nang hinagupit ng bagyong Nika.

 

 

Tiniyak ng PNP na hindi sila titigil sa kanilang hanay sa pagtugon sa kalamidad kasabay ng pagtupad sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad.

 

Dagdag pa ni Fajardo, pagtutulungan at koordinasyon lamang ang kailangan upang maiwasang madisgrasya ang publiko sa panahon ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • P1.3-T economic stimulus, baseline PCR testing target aprubahan ng Kamara sa 3rd reading ngayong linggo

    Target ng Kamara na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo ang ilang panukalang batas na mahalaga para sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19 at sa epekto ng krisis na dulot nito sa ekonomiya ng bansa.    Kagabi, inaprubahan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 6185, o ang P1.3-trillion proposed Accelerated […]

  • NCR, Cebu, Davao ang makakatanggap ng Pfizer COVID-19 vaccines: DOH

    Mga piling lugar sa Pilipinas muna ang makakatanggap ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech, ayon sa Department of Health (DOH).     Kabilang na rito ang National Capital Region (NCR), at mga lalawigan ng Cebu at Davao.     Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang desisyon para sa limitadong distribusyon ng Pfizer […]

  • Hirit ng netizens, makatagpo na sana ng kanyang ‘Captain Ri’: KC, nagpunta rin sa famous location ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland

    ANG sarap talagang ulit-ulitin ang short video sa IG post ni KC Concepcion na kung saan makikita ang mga magagandang lugar na kanyang pinuntahan.   Say ni KC, “Alam ko mahilig ang mga Pinoy sa malamig na lugar pag nagtatravel pero gandang ganda ako sa Europe pag summer ☀️ Lumalabas lahat ng color~ feel na […]