• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP hinikayat na magsagawa ng mental fitness sa mga recruits

HINIKAYAT ng mga mambabatas ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng mental fitness check sa mga personnel nito kasunod na rin sa ipinakitang galit ng isang pulis nito kaugnay sa pagkaka-aresto ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Umapela rin sina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, chairman ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims’

Compensation, at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa PNP na palakasin ang recruitment process nitio.

Ang suhestiyon ay ginawa ng mga mambabatas kasunod na rin sa ulat ng lumabas na vlogs ni Pat. Steve Francis Fontillas ng Quezon City Police District (QCPD).

“Kasi kailangan talaga ‘yung I think the PNP has to make a very strong measure in determining the psychological capacity of all the recruits. Kasi of course bibigyan mo ‘yan ng baril, bibigyan mo siya ng responsibility,” ani Adiong.

Kaisa sa pahayag ng kasamahang Kaisa sa pahayag ng kasamahang mambabatasm sinabi naman ni Ortega na ang PNP, National Police Commission, at maging ang Armed Forces of the Philippines at iba pang kahalintuald na ahensiya na ikunsidera, bukod sa physical fitness ng mga recruits ang kanilang mental fitness.

“Nandyan naman na yung Napolcom eh… siguro it’s in within their best interest na sila naman po ‘yung nakatutok na rin po diyan, and sabi nga po natin yung may recruitment po dyan, Sabi ko nga, usually kasi po dyan ‘yung matibay po saka nakaka-last sa physical exam, nakaka-endure po dun sa physical side ng pagiging parte po ng kapulisan o ano man, Armed Forces,” ani Ortega.

Kinasuhan na ng QCPD ng administratibo si Fontillas. (Vina de Guzman)

Other News
  • Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time

    SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto. Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby.   Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang […]

  • Ochoa atat na sa bunuan

    GIGIL nang magbalik sa praktis si 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s jiujitsu -45-kilogram gold medalist Margarita ‘Meggie’ Ochoa para sa preparasyon sa mga balak sabakang kompetisyon sa taong ito.     May isang taon na ang patuloy na pamiminsala ng Coronavirus Disease 2019 kaya nabulilyaso ang training at international, national competition ng mga national […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]