• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum

SINIMULAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30.

 

 

Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. Vicente Danao na tiyaking maayos at ligtas ang lugar at paghahanda sa mga hindi inaasahang insidente na makaapekto sa panunumpa ni Marcos.

 

 

Kasabay nito, tinatayang nasa 2,000 pulis ang ikakalat sa inagurasyon upang matiyak na walang grupo ang makapanggugulo sa selebrasyon at pagpapalit ng administrasyon. Ang deployment ng mga pulis ay manggagaling sa National Capital Region Police Office at Police Regional Office 3 and Police Regional Office 4A.

 

 

“Our personnel from Regions 3 and 4 will only be utilized to ensure that there will be no movements, especially those that are left-leaning organizations taking advantage of this activity,” ani De Leon.

 

 

Binigyan diin ni De Leon nakipag-ugnayan na rin sila sa City Government ng Maynila  hinggil sa pagpapatupad ng no permit, no rally policy.

 

 

Samantala, nakalatag na rin ang seguridad para sa inagurasyon ni vice president-elect Sara Duterte sa  Davao City sa Hunyo 19.

 

 

Sapat na aniya ang puwersa ng PRO 11 para matiyak ang seguridad ng oath-taking ni Duterte. (ARA ROMERO)

Other News
  • Maraming sasaguting isyu sa ‘The Cheating Game’: Romcom movie nina JULIE ANNE at RAYVER, mapapanood na sa Netflix Worldwide

    PAANO na ba mag-date ngayon? Ano ba ang eksena? Worth it pa ba talaga?     Sasagutin ang mga ito sa ‘The Cheating Game,’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at mapapanood na sa Netflix Worldwide simula October 26.     ‘A feverish, deep-dive into the psyche of two individuals who […]

  • Ads September 1, 2023

  • Valenzuela binuksan na ang “Balai Banyuhay” o drug treatment at rehabilitation facility

    PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang kanilang kauna-unahang drug treatment at rehabilitation facility na tinawag na “Balai Banyuhay” sa Barangay Punturin, Huwebes ng umaga.     Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ceremonial launching ng center para sa buong operasyon nito para sa mga residente at […]