PNP nakaalerto kahit ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin magluluwag ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang trabaho at pagpapatupad sa mga ipinagbabawal sakaling maibaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, na kung magbabago na ang alert level sa Kalakhang Maynila mula sa kasalukuyang Alert Level 4 pababa sa Alert Level 3 ay inaasahang magluluwag ang mga restriction, at mas maraming negosyo pa ang magbubukas.
Dahil dito, mas maraming tao ang inaasahang lalabas at pupunta sa “permitted industries.”
Kaya dito umano pupunta ang mga pulis nang may koordinasyon sa management at may-ari ng mga negosyo, para masiguro na susunod pa rin ang lahat sa minimum public health standards upang iwas-COVID-19.
Bukod dito, babantayan din ng mga pulis kung nasusunod ang itinakdang kapasidad sa mga establisimyento o negosyo.
Sa ngayon, wala pang anunsyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung mananatili ba o mababago na ang Alert Level 4 ng NCR, na nakatakdang magtapos sa October 15.
-
Mike Enriquez malaking kawalan sa media industry
NAKIISA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagdadalamhati ng industriya ng media at iba pang nagmamahal sa pumanaw na beteranong brodkaster ng GMA-7 na si Mike Enriquez. Inilarawan ni Speaker si Enriquez bilang isang walang kapagurang media practitioner, isang anti-corruption, anti-abuse, at anti-wrongdoing crusader. “He was a champion of […]
-
First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival
ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival. Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy […]
-
Pangarap ni EJ Obiena na magkaroon ng sariling pole vault facility natupad na
MASAYANG ibinahagi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena na ang pangarap niya ay malapit ng matupad. Sinabi nito na sa darating na Nobyembre 22 ay bubuksan na ang kaniyang bagong pole vault facility. Matatagpuan ito sa Marcos Stadium sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte. Dagdag pa ng 28-anyos na […]