• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP napagkalooban ng P3B halaga ng kagamitan

IPINAGKALOOB sa Philippine National Police ang nasa P3 bilyong kagamitan katulad ng helicopter, truck, armas at bomb equipment kahapon, Lunes.

 

Kabilang na rito ang dalawang single-engine turbine choppers na nagkakahalaga ng P225 milyon mula Airbus; 31 units ng troop carriers na nagkakahalaga ng P3.1 milyon;12 units ng pick-up vehicles na tinatayang nasa P1.6 milyon; at 501 units ng combat helmets na nasa P32 milyon.

 

Sinabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na mayroong kabuuan na pitong helicopters kung saan lilipad ang tagdalawa sa Visayas at Mindanao.

 

“It has been the assurance of the committee of inspection and acceptance na dapat sumusunod sa parameters during acceptance process to see to it na may compliance sa standards,” tugon nito sa isang panayam.

 

Layon aniya na makakuha pa ng tatlong helikopter bago siya bumaba sa pwesto sa Oktubre.

 

Siniguro rin nito ang nasa 2,800 units ng body cameras oras na makumpleto ang pag-testing nito. (Daris Jose)

Other News
  • Kasama sina Ethan at Summer: LJ, ramdam ang happiness sa first Christmas nila ni PHILIP

    RAMDAM mo ang happiness kay LJ Reyes nang mag-celebrate ito ng first Christmas kasama ang kanyang mister na si Philip Evangelista.      Noong nakaraang Pasko, Mrs. Evangelista na si LJ.     Kasama sa Christmas photo nila LJ at Philip ang kanyang mga anak na sina Ethan Akio and Summer Ayana. Mga anak nito […]

  • MEKANIKO, PATAY, 2 SUGATAN, 6 NA SASAKYAN NASIRA

    NASAWI ang isang 24-anyos na mekaniko habang sugatan ang dalawa pang trabahador at nasira ang anim pang sasakyan  nang araruhin ng isang dump truck ang isang container van na nagsisilbing barracks ng mga trabahador sa Carmona, Cavite Martes ng hapon.     Pawang isinugod sa Carmona Hospital and Medical Center ang mga biktimang sina Anicor […]

  • Kamara may P4.7-B sobrang pondo kahit lumaki ang gastos

    UMABOT sa P4.7 bilyon ang budget surplus ng Kamara noong 2022 kahit pa lumaki ang gastos nito ng P934.41 milyon.     Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 bilyon noong 2021 ay tumaas ng 78 porsyento ang budget surplus ng Kamara.     Ayon sa 2022 Financial Statements ng House […]