PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’
- Published on October 26, 2022
- by @peoplesbalita
INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats.
Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa 160 “persons of interest” sa pagkamatay ng radio commentator ang suspendidong director general ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.
“I already ordered the security of the family of Roy Mabasa, the brother [of Percy Lapid], at tsaka ‘yung family po ni Ginoong Percy ‘Lapid’ Mabasa, dahil nga po may natatanggap na silang death threats,” ani Azurin sa isang panayam kanina.
Lumabas ang nabanggit isang linggo matapos humarap sa publiko ang sumukong “gunman” sa Lapid killing na si Joel Estorial, na siyang tumanggap daw ng utos mula sa loob ng New Bilibid Prison. Una na niyang sinabing itinumba niya si Mabasa sa halagang P550,000 na kanilang pinaghati-hatian.
Matatandaang nasawi naman daw sa loob ng Bilibid ang isa sa mga “middleman” sa pagpatay kay Mabasa na si Jun Villamor sa parehong araw ng pagsuko ni Estorial, dahilan para masuspindi si Bantag ng 90 araw. (Daris Jose)
-
Suspek sa pagpatay sa binatang magaling sa bilyar, timbog
NASAKOTE ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos na magaling sa larong bilyar habang nakikipag-inuman sa kanyang mga ka-tropa sa Malabon City. Bukod kay alyas “Raffy”, 43, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon, binitbit din nina P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, ang kanyang kainuman na […]
-
Tolentino, tatayong legal counsel ni Dela Rosa sa ICC probe
MAGSISILBING abogado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng proceedings na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC) investigation si Sen. Francis Tolentino. Ito ay kaugnay pa rin sa ginagawang imbestigasyon ng ICC tungkol sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte kung saan si Dela Rosa noon ang hepe […]
-
Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’
BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko. Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal […]