PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda.
Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato sa halalan na gamit ang pangalan ng PNP.
Binigyang-diin ni Alba, nirerespeto ang mga pananaw ng kanilang mga retiradong opisyal pero walang kinalaman ang PNP sa personal na opinyon sa politika ng mga tao o grupong ito na ipino-post sa social media.
“With all due courtesies to our retired PNP Officers, we respect your political views and opinions as private individuals. But by all means, please spare the PNP from partisan political activity,” wika ni B/Gen. Alba.
Giit ni Alba, hindi gawain ng PNP na magpahayag ng suporta para sa sinumang kandidat at nananatiling non-partisan na organisasyon.
“The PNP maintaines a non-partisan stance and will never endorse any political paty or candidate vying for any elective position,” dagdag pa ni Alba.
Babala ni Alba, hindi lang ang mga tao na gumagamit sa pangalan ng PNP sa pamomolitika ang hahabulin ng PNP kundi maging ang mga grupong politikal na nagbayad sa kanila para sa pag-endorso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon
TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon. Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan. Ayon […]
-
BIR, maglulunsad ng nationwide crackdown laban sa pagbenenta at paggamit ng pekeng PWD IDs
NAKATAKDANG maglunsad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng national crackdown laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng person with disability (PWD) identification cards (IDs) dahil malinaw ang pagkalugi sa kita ng gobyerno mula sa tax evasion scheme na umaabot na sa halagang P88 billion. Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na […]
-
JENNIFER LAWRENCE AND ANDREW BARTH FELDMAN PLAY HILARIOUS OPPOSITES IN RAUNCHY COMEDY NO HARD FEELINGS
JENNIFER Lawrence has always wanted to make a comedy, but she just couldn’t find the right one. Enter No Hard Feelings. For Lawrence, it was a pleasure to do “something totally different… a totally different genre, with fun scenes and ridiculous dialogue that got me excited! Shooting this movie, alongside a brilliant […]