• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis

Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis.

 

 

“I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar.

 

 

Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando Hinanay ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), inirekomenda nito sa pamunuan ng PNP na suspendihin ang requirement ng BMI para sa promotion ng mga pulis.

 

 

Paniwala ni Hinanay, mas prayoridad nila ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga tauhan.

 

 

Paliwanag ng heneral, marami sa mga pulis ngayon ang hindi kayang maabot ang kanilang BMI o tamang timbang dahil sa kawalan ng exercise nang magsimula ang pandemic.

 

 

Ang mga nasa frontline sa mga checkpoint at oolice stations ay hindi rin kayang i-mantine ang kanilang BMI dahil sa kanilang trabaho nang tumama ang COVID 19.

 

 

Hindi rin umano inirerekomenda ang biglaang pagpapayat para lang makuha ang nararapat na BMI dahil delikado ito sa kalusugan ng mga lulis.

 

 

Aminado ang pamunuan ng PNP na marami sa mga pulis ngayon ang bagsak sa kanilang BMI o Body Mass Index (BMI) dahil marami sa mga pulis ang tumaba dahil umano sa haba ng lockdown.

 

 

Ang BMI requirement ay bahagi ng physical fitness program ng PNP. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mahigit 200 indibidwal, patay sa leptospirosis sa first half ng taong 2023 – DOH

    Iniulat ng Department of Health na pumalo na sa mahigit 200 indibidwal ang namatay mula sa sakit na leptospirosis.       Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, mula noong Jan. 1 hanggang July 22, 2023 ay umabot na 233 ang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa nasabing sakit na mas mataas […]

  • Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth

    Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan.     Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan.     Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda […]

  • Tuloy na launching ng pinakaunang modern bank notes sa PH na hindi na tao, kundi national animal

    PERSONAL na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes.     Ito ang kauna-unahang modern bank notes sa Pilipinas na hindi na tao, kundi national animal ang nakalagay.     Isasagawa ito sa Malacanang sa kabila ng naunang kontrobersyal na pagkakamali sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design ng nasabing […]