• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief

Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.

 

 

Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa paghahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar at isla sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Ito’y matapos na atasan ng Pangulo ang DILG na I-supervise ang mabilis na pagdeliver ng bakuna sa gitna ng mga ulat na may mga napanis na bakuna.

 

 

Kasabay nito, inatasan din ni Eleazar ang lahat ng Police commanders na maglatag ng Security plan sa paghahatid ng bakuna at sa mga vaccination sites.

 

 

Sinabi ni Eleazar na makakaasa ang puliko na 24/7 magtatrabaho ang PNP upang makatulong na makamit ng bansa ang herd Immunity laban sa virus.

 

 

Samantala, bumuo na ang PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) ng panuntunan sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga organizer ng community pantries.

 

 

Ayon kay sa ilalim ng binuong panuntunan na ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay upang tiyakin lamang ang peace and order at nasusunod ang minimum public health safety protocols.

 

 

Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang paghingi ng paumanhin ni PNP Human Rights Affairs Office chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa mga organizer na natakot sa umano’y profiling.

Other News
  • Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’

    KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET).     Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]

  • PBBM, aprubado ang Export Dev’t Plan para ipuwesto ang Pinas bilang exporting hub-DTI

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Export Development Plan, naglalayong palakasin ang mga industriya ng bansa at ipuwesto ang Pilipinas bilang isang ” potential exporting hub.”     Kinumpirma ni Department of Trade and  Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa briefing  ng Presidential Communications Office (PCO) na napag-usapan ang Philippine Export Development Plan […]

  • DepEd, hindi maaaring magdeklara ng nationwide ‘academic break’

    HINDI puwedeng mag-anunsyo ang Department of Education (DepEd) ng nationwide “academic break” sa kabila ng mataas na bilang ng mga mag-aaral at guro na mayroong flu-like symptoms o nagpositibo sa Covid-19.     Ito’y matapos na manawagan ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na magdeklara ng two-week “health break” sa mga eskuwelahan na […]