• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNPA, extended ang lockdown

Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

 

Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.

 

Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan ng medical attention.

 

Matatandaang Setyembre 3, 2020 nang ma-detect ang ilang COVID positive sa ilang academy, kaya nagpatupad ng lockdown.

 

Isinalang din sa swab test ang mga kadete at lumabas na mahigit 200 sa kanila ang infected ng naturang sakit. (Daris Jose)

Other News
  • Pinilit na makapagtapos ng kolehiyo: AIKO, natupad na ang pangako sa kanyang mommy at stepdad

    ISANG masayang-masayang Aiko Melendez ang nakausap namin sa pamamagitan ng Facebook messaging nitong July 28, Biyernes.   excited na ibinalita sa amin ng actress/politician na ga-graduate na siya sa kolehiyo.   Nagtapos si Aiko sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts Major in Journalism.   Tulad ng regular na estudyante ay nag-martsa ang aktres […]

  • Pacquiao camp, binawi ang isyu ng retirement

    Nilinaw ngayon ni MP promotion president Sean Gibbons na hindi pa talaga magreretiro si eight division world boxing champion Manny Pacquiao.     Taliwas ito sa naunang mga pahayag ng kampo ni Pacquiao, na tinatapos na fighting senator ang kaniyang boxing career para makapag-focus sa politika.     Ayon kay Gibbons, bagama’t wala pang malinaw […]

  • Ads January 15, 2021