PNR, LIMANG TAON TIGIL OPERASYON
- Published on March 2, 2023
- by @peoplesbalita
LIMANG taon na tigil operasyon ang Philippine National Railways (PNR) na magsisimula sa Mayo, ayon kay PNR general manager Jeremy Regino .
Ayon kay Regino, unang hihinto ang operasyon ang biyaheng Alabang papuntang Calamba.
Pagsapit ng Oktubre ay hihinto Naman ang Tutuban patungong Bicutan o Tutuban hanggang Alabang at Governor Pascual mula Malabon hanggang Tutuban.
Samantala, sinabi ni Regino na maaari pa ring ilipat ang mga petsa para sa paghinto ng operasyon.
Ang operasyon ng PNR ay pansamantalang ititigil upang bigyang daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Inaasahan namang maapektuhan ang 30,000 commuters sa pansamantalang pagsasara ng PNR.
Sinabi ni Regino na gumagawa sila ng mga alternatibong paraan ng transportasyon sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, at mga lokal na pamahalaan.
Nauna nang sinabi ni LTFRB Tech Division head Joel Bolano na ang mga jeepney at bus ay gagamitin para dagdagan ang pangangailangan sa transportasyon ng mga apektadong commuters. GENE ADSUARA
-
PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting
Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam. Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]
-
Advocacy niya ang autism awareness and detection: HERLENE, pasok na sa official list of candidates ng ‘Binibining Pilipinas 2022’
KABILANG na si Herlene “Hipon Girl” Budol, sa official list ng 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022. Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang number 67 na number niya sa final screening ng beauty pageant. Ang layo na nga ng narating ng comedianne at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang […]
-
Five months ginawa ang pinupuring gown na isinuot: HEART, ‘di kataka-taka na itinanghal na Female Sparkle of the Night sa ‘GMA Gala 2023’
NAPA-EMOTE o napatanong si Pokwang sa kanyang Facebook account. May kinalaman pa rin ito sa nag-viral na issue ni Lea Salonga sa Pinoy fans na gustong magpa-picture sa kanya sa dressing room sa Broadway. Nag-reply kami sa naging FB post ni Pokwang na, “valid question” naman ang kanyang tanong. Sabi nga niya, love naman niya […]