• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Poblacion Girl,’ 8 pa kinasuhan na ng PNP

Sinampahan na ng reklamo ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua at walong iba pa.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampa kina Chua.

 

 

Bukod kay Chua, kinasuhan din ang ama nitong si  Allan Chua;  inang  si Gemma Chua,  at  nobyong si Rico Atienza.

 

 

Damay din ang limang staff ng Berjaya Hotel Makati na sina Gladiolyn Blala, hotel resident ma­nager; Den Sabayo, assistant resident manager; Tito Arboleda, security manager; Esteban Gatbonto, security/doorman; at Hannah Araneta, front desk/counter personnel.

 

 

Hindi naman kinasuhan ng CIDG ang mga close contact ni Chua pero inirerekomenda at hinihikayat nila ang mga ito na maghain ng reklamo laban sa dalaga.

 

 

Base sa CCTV ­footage, sinundo si Chua ng kanyang ama noong ­Disyembre 22 at bandang alas-9 ng gabi na noong Disyembre 25 bumalik ng hotel  sa tulong ng kanyang ina.

 

 

Dagdag pa ni Silvio, dapat ay agad na inireport ang ginawa ni  Chua upang agad na na-­quarantine.

 

 

Samantala, sinuspinde na ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng Berjaya at binawi rin ang permit bilang Multiple-Use Hotel dahil sa kabiguan na mapigilan si Chua.

 

 

Pinagmulta rin ang Berjaya na katumbas ng doble ng rack rate ng pinakamahal nitong kuwarto.

 

 

May 15-working days ang hotel na umapela sa isinilbing desisyon ng DOT.

 

 

Sinabi ng DOT na ang public apology ng Berjaya ay isang pag-amin sa insidente at sa kanilang pagkukulang na gawin ang responsibilidad.  (Daris Jose)

Other News
  • Nakaka-relate dahil sa struggle na hinaharap ni ICE: LIZA, humanga rin sa katapangan ni JAKE na mag-post kahit bina-bash

    KUNG marami ang nam-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya.     Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.     “I admire him and […]

  • Phivolcs, hindi pa nakikitang may pangangailangan na ilagay sa “higher alert level” ang Bulusan

    HINDI pa nakikita ng  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang pangangailangan na itaas ang Bulusan Volcano sa Sorsogon sa Alert Level 2 sa kabila ng panibagong pagputok, araw ng Linggo.     Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, malaki ang posibilidad ng muling pagputok ng bulkan matapos na pumutok ito ng  madaling araw […]

  • Bilang top winners sa awards night ng 50th MMFF: PlayTime, bahagi ng pagpaparangal kina JUDY ANN, DENNIS at ‘Green Bones’

    ANG PlayTime, na top contender sa industriya ng online entertainment games sa Pilipinas, ay nagsilbing opisyal na kasosyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ang pinakamalaking festival para sa mga pelikula sa  Pilipinas. Bumisita ang PlayTime sa MMDA Headquarters upang ipakita ang pangako nito sa […]