• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POC, muling tiniyak na isasabak ng PH si EJ Obiena sa SEAG at Asiad kahit ayaw ng Patafa

MULING tiniyak ngayon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino ang kanilang pag-iendorso sa kontrobersiyal na Pinoy Olympian at pole-vaulter EJ na Obiena na isasama nila ito sa nalalapit na Hanoi Southeast Asian Games (SEAG).

 

 

Ito ay sa kabila na initsapuwera na ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) si Obiena na kumatawan sa Pilipinas sa mga international competitions.

 

 

Ang SEA Games ay nakatakdang ganapin sa May 12 hanggang May 23 nitong taon kung saan ang Pilipinas ang defending champion.

 

 

Naniniwala naman si Tolentino na kung pagbabatayan ang mga performance ni Obiena ay sigurado na ang pagsungkit nito ng gold medal sa Vietnam Games at sa Hangzhou Asian Games na gaganapin naman sa buwan ng Setyembre.

 

 

Kung ipapaalala si EJ ang may hawak ng SEAG record na 5.45 meters at ang Asian record na 5.93 meters.

Other News
  • 2 wanted sa droga sa Navotas at Valenzuela, timbog sa manhunt ops

    NALAMBAT ng pulisya ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso na may kinalaman sa illegal na droga sa magkahiwalay na manhunt operation sa Navotas at Valenzuela City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas […]

  • Deputy Speaker Pichay, 30 yrs jail term sa graft cases – Sandigangbayan

    HINATULAN ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases.     May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA).   […]

  • Bulacan, pinaigting ang iwas disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Muling pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang kampanya para maiwasan ang disgrasya sa panahon ng pandemya at pagsalubong sa Bagong Taon.   Ani Fernando, may inilinyang gawain ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) […]