• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games

Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.

 

 

Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.

 

 

Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak, cycling, MTB, BMx, dancesport at men’s dancesport at maraming iba pa.

 

 

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na isinumite na nila ang listahan na sasalihan ng bansa sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.

 

 

Ibinasi nila ang listahan sa mga nakuhang tagumpay noong Asian Games na ginanap sa Jakarta kung saan nakasungkit ang bansa ng apat na gold medals noong 2018.

 

 

Kinabibilangan ito nina Hidilyn Diaz sa weightlfting, Margielyn Didal sa skateboarding, Yuka Saso sa golf at Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa women’s team golf.

 

 

Itinalaga ng POC si Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou Games.

 

 

Sinabi naman nito na nagsimula na ang preparasyon ng bansa noon pang nakaraang linggo para sa Asian Games.

Other News
  • VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay

    ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda!   Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga.   Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, […]

  • Ads June 10, 2022

  • 50 iskul sa Quezon City lalagyan ng solar panel

    TARGET na lagyan ng mga solar panel ang 50 na pampublikong paaralan sa lungsod.   Ito ay makaraang lumagda sa isang me­morandum of agreement (MOA) si QC Mayor Joy Belmonte sa pagitan nina Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla; City   Ito ay makaraang lumagda sa isang me­morandum of agreement (MOA) si QC Mayor Joy […]