POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.
Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.
Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak, cycling, MTB, BMx, dancesport at men’s dancesport at maraming iba pa.
Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na isinumite na nila ang listahan na sasalihan ng bansa sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.
Ibinasi nila ang listahan sa mga nakuhang tagumpay noong Asian Games na ginanap sa Jakarta kung saan nakasungkit ang bansa ng apat na gold medals noong 2018.
Kinabibilangan ito nina Hidilyn Diaz sa weightlfting, Margielyn Didal sa skateboarding, Yuka Saso sa golf at Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa women’s team golf.
Itinalaga ng POC si Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou Games.
Sinabi naman nito na nagsimula na ang preparasyon ng bansa noon pang nakaraang linggo para sa Asian Games.
-
2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS
NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, […]
-
COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research. Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw. Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]
-
Indibidwal o pamilyang nakatira sa ECQ, makatatanggap ng cash aid mula sa gobyerno
IBINALITA ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mga mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang ibibigay kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo […]