POC pinaghahandaan na ang SEA Games sa Thailand
- Published on September 14, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGHAHANDAAN na ng Philippines Olympic Committee (POC) ang ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa.
Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan nila ang gaganaping Southeast Asian Games na gaganpin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.
Aapela sila sa organizers ng SEA Games dahil sa tinanggal nila ang apat na sports sa nasabing torneo.
Kapag natanggal ang nasabing mga sports ay maaaring mabawasan ng walong gintong medalya ang bansa.
Tinanggal kasi ng organizer ng SEA Games sa Thailand ang mga sports na weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate.
Umaasa si Tolentino na papaburan sila ng SEAG Federation sa ginawa nilang pag-apela.
-
Papasukin na rin ang mundo ng pulitika: JOAQUIN, pinagtanggol si ISKO sa isyung ‘puppet’ ng isang politician
KUMPIRMADONG papasukin na ang mundo ng pulitika ni Joaquin Domagoso. Kinumpirma na sa amin ng isang malapit sa mga Domagoso ang pagtakbong kunsehal sa unang districto ng Maynila. Si Joaquin ay anak ng aktor at dating mayor na si Francisco “Isko” Moreno. Susundan ni Joaquin ang tinatahak ng amang si Isko Moreno. Matandaang […]
-
MARCH 1, DEADLINE SA MGA DAYUHAN NA MAGPA-FILE NG AR
NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na nakarehistro sa ahensiya na mayroon na lamang hanggang March 01 upang mag-file ng kanilang 2022 annual report (AR). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na hindi katulad noong nakaraang taon na nagbigay ang kagawaran ng extension, ngayong taon ay hindi na […]
-
Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea
NAKIISA ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena sa ginawang paglulunsad ng North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan. Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng Asia Zero […]