“Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City.
Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at pulang tsinelas.
Sa ulat nina P/SSg. Nino Nazareno Paguiringan at P/SSg. Rodolfo King Bautista kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, alas-7:20 ng umaga nang makita ang nakabiting bangkay ng biktima sa ilalim ng footbridge sa kanto ng EDSA at A. De Jesust St. na may nakapulupot na kable sa kanyang leeg.
Unang sinisi umano ng ilang mga netizen ang sala-salabat na kable ng telcos sa lugar na posible umanong pumulupot sa leeg ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Gayunman, lumutang ang 68-anyos at 41-anyos na kasamahang palaboy ng biktima at nagpahayag sa pulisya na pagpatiwakal umano ang biktima na sanhi ng kamatayan nito kung kaya wala umanong kinalaman ang mga sala-salabat na kable o ang “spaghetti” wire sa kanyang pagkamatay.
Sa pahayag ng mga testigo sa pulisya, napansin na nila ang panginginig ng katawan ng biktima at hindi mapakali bunga ng depresyon bago matuklasan ang kanyang bangkay.
Patuloy namang hinahanap ng pulisya ang pinakamalapit na kaanak ng biktima para sa kanyang pagkakakilanlan. (Richard Mesa)
-
Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC
INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon. Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3. “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]
-
Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR
SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa. Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]
-
LeBron, hindi na rin maglalaro sa Tokyo Olympics
Idineklara ni NBA superstar LeBron James na hindi na rin siya maglalaro sa nalalapit na Tokyo Olympics sa buwan ng Hulyo. Ginawa ni James ang pahayag matapos na eliminated na ang Los Angeles Lakers sa NBA playoffs nang masilat ng Phoenix Suns sa loob ng anim na laro sa first round. […]