POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”.
Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.
Ayon kay Nartatez, inilunsad ang programang “ReACT POGO” o “Repress Acts of Criminals” kung saan target ang mga POGO na nagbibigay awtorisasyon sa pulisya na suriin o inspeksyunin ang mga POGO hubs sa Metro Manila.
“Meron tayong program to look after this business entity. These are called POGOs before eto ngayon ay internet gaming licensed group o busines. Ang trabaho ng pulis diyan is of course inspeksyunin”, ani Nartatez.
Nagpahayag ng pagkabahala si Nartatez sa mga isinasagawang Senate inquiry sa pagkakasangkot ng mga POGO sa kaso ng kidnapping, robbery extortion, may serious illegal detention at maging pagpatay.
Nakakalungkot lamang na nagagamit ang mga negosyo sa iligal kaya kinakailangan na ng pamahalaan at ng pulisya na makialam upang mapanatili ang peace and order.
Bilang NCRPO chief, sinabi ni Nartatez na hindi niya hahayaan na may pulis sa Metro Manila na masasangkot sa mga illegal na operasyon sa mga POGO.
Ito rin aniya ang dahilan ng pagkakatanggal ng chief of police nang makitaan ng iligal sa pagsalakay na isinagawa ng PAOCC at CIDG.
Anang opisyal, katuwang ng PNP ang mga lokal na pamahalaan laban sa kriminilidad na maaaring maganap sa loob ng mga gusaling ito.
-
May makahulugang Holy Week message: JULIA, nangakong mas magiging malapit pa sa Diyos
NOONG Holy Wednesday, nag-post ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang social media account ng isang makabuluhang mensahe na para din sa lahat ng makababasa. Makikita sa IG post ng aktres na malapit na malapit sa puso ni Coco Martin, ang isang larawan na parang altar na may mga nakapatong na […]
-
Lionel Messi, Argentina gigil na sa World Cup finals kontra France
HANDA na si football superstar Lionel Messi na sumipa sa World Cup finals pagharap kontra France ngayong alas-11 ng umaga sa Doha Qatar. Pangalawang World Cup finals appearance ito ng 35-year-old na si Messi, kung saan ay nasa kukote ng Argentian star ang maghigant matapos ang 1-0 pagkabigo sa Germany noong 2014 finals sa […]
-
VACCINATION SITES SA POOLING CENTER, COMELEC, HINDI PABOR
HINDI pabor ang Commission on Elections (Comelec) sa mungkahi ng Department of Health (DOH) na maglagay ng vaccination sites malapit sa polling centers sa May 9, election. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nais nilang tumutok sa main event sa araw na iyon na ang mga mamamayang Pilipino ay bumoto. “Personally, […]