• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POGO, TULOY ANG LIGAYA

SA kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga Chinese, hindi umano ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

 

Kailangan umano ng pondo para sa mga proyekto at pasahod sa mga empleyado ng gobyerno tulad ng mga nurse at titser.

 

Makatutulong din umano ang pondo galing sa POGO para sa pagtugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pero, sana naman ay tiyakin din ng pamahalaan na hindi ito nangangahulugan na lusot na ang mga pasaway na nagtatrabaho sa POGO mula sa kaliwa’t kanang isyu na kanilang kinasasangkutan tulad ng money laundering, prostitution den, suhulan sa gobyerno, hindi pagbabayad ng tamang buwis, magagaspang na pag-uugali at iba pa.
Sabihin na nating may ipinapasok silang pera, ang problema, nasasangkot naman sila sa mga ilegal na gawain. Baka ‘pag kinuwenta natin ‘yung sinasabing kita sa POGO, eh, kulang pa sa perhuwisyong ipinapasok din nila sa bansa natin.

 

Kung sinasabi ng pamahalaan na puwedeng magawan ng paraan ang mga problema sa mismong operasyon ng POGO, sana ay masiguro rin nila na masosolb ang mga isyung mas malalalim pa.

 

Magkaroon sana tayo ng malinaw na batas at mahigpit na regulasyon, hindi para pahirapan ang POGO, dahil kinikilala naman ito ng bansa kundi upang matigil ang mga ilegal na operasyon.

 

At idamay na rin ang mga kababayan nating nilamon na ng maling sistema. ‘Yung mga sunud-sunuran d’yan sa puwesto at nabulag na ng pera, isunod n’yo na rin sa mga dapat parusahan.

Other News
  • Pinagawang bahay, marami pang gustong baguhin: PIA, tututukan ang master bedroom na mala-penthouse suite ang aura

    Winwyn Marquez sa pagsayaw sa TikTok.   Pinatunayan ni Winwyn na anak nga si Alma Moreno at namana niya rito ang husay sa pagsayaw, kesehodang may malaking tiyan siya.    Pinost niya ang TikTok video kunsaan sumayaw siya sa song na “23 Ape Drums x Ram Pam Pam” at nilagyan niya ito ng caption na: […]

  • Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI

    IDINEPENSA  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets.     Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang […]

  • Frances McDormand at Anthony Hopkins, Best Actress at Best Actor sa ‘93rd Academy Awards’; Chloe Zhao, Best Director para sa ‘Nomadland’ na nanalong Best Picture

    A night a diversity ang 93rd Academy Awards or the Oscars dahil sa history-making winners nila sa kanilang top categories.     Ang Chinese-American filmmaker na si Chloe Zhao ay ang first woman of color na manalo ng best director award para sa pelikulang Nomadland na nanalong best picture.     Si Zhao rin ang […]