POGO, TULOY ANG LIGAYA
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
SA kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga Chinese, hindi umano ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kailangan umano ng pondo para sa mga proyekto at pasahod sa mga empleyado ng gobyerno tulad ng mga nurse at titser.
Makatutulong din umano ang pondo galing sa POGO para sa pagtugon sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pero, sana naman ay tiyakin din ng pamahalaan na hindi ito nangangahulugan na lusot na ang mga pasaway na nagtatrabaho sa POGO mula sa kaliwa’t kanang isyu na kanilang kinasasangkutan tulad ng money laundering, prostitution den, suhulan sa gobyerno, hindi pagbabayad ng tamang buwis, magagaspang na pag-uugali at iba pa.
Sabihin na nating may ipinapasok silang pera, ang problema, nasasangkot naman sila sa mga ilegal na gawain. Baka ‘pag kinuwenta natin ‘yung sinasabing kita sa POGO, eh, kulang pa sa perhuwisyong ipinapasok din nila sa bansa natin.
Kung sinasabi ng pamahalaan na puwedeng magawan ng paraan ang mga problema sa mismong operasyon ng POGO, sana ay masiguro rin nila na masosolb ang mga isyung mas malalalim pa.
Magkaroon sana tayo ng malinaw na batas at mahigpit na regulasyon, hindi para pahirapan ang POGO, dahil kinikilala naman ito ng bansa kundi upang matigil ang mga ilegal na operasyon.
At idamay na rin ang mga kababayan nating nilamon na ng maling sistema. ‘Yung mga sunud-sunuran d’yan sa puwesto at nabulag na ng pera, isunod n’yo na rin sa mga dapat parusahan.
-
PBBM, nakipagpulong sa ICT executives
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang. Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]
-
COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas
LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group. Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test. […]
-
Ads April 19, 2023