• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pogoy nakatakda na sa tahimik na buhay

BUHAT sa may siyam na taon at 10 buwang pagiging magdyowa, engaged na si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas star Roger Ray ‘RR Pogoy at ang kasintahang si Love Portes.

 

 

“Thank you Lord! She said yes!” caption ng TNT at national men’s basketball team shooter sa kanyang Instagram post nito lang isang araw.

 

 

Pinaskil din ng 28 taong-gulang at 6-2 ang taas na guard/forward na kasama nila ang magkabilang mga pamilya nila sa nangyaring planong pagpatali na ng nagmamahalan.

 

 

Maging ang fiancee ni Pogoy may pinaskil din sa kanyang IG story.

 

 

“Whoe day the weather is not good. It was raining. Yet God gave us this perfect clear city view. It was indeed ordained by God. Yeeey thank you Lord,” caption niya.

 

 

Marami ang natuwa at nagreaksiyon sa bagong naabot na ito ng basketbolistang tubong Minglanilla, Cebu at papasok na sa Abril 9 sa panlimang taon niya bilang pro cager o paglalaro sa PBA.

 

 

“Congratulations brother!” tugon ni Tropang Giga teammate Bobby Ray Parks, Jr. (REC) 

Other News
  • Tennis star Simona Halep, patuloy na nagpapagaling matapos dapuan ng COVID-19

    NAGPAPAGALING na ngayon si world number two tennis star Simona Halep matapos dapuan ng coronavirus.   Ayon sa 29-anyos na Romanian tennis star na nagkaroon lamang siya ng mild symptoms.   Tiniyak nito sa kaniyang mga fans na masigla ang kaniyang kalusugan at agad na magbabalik sa laro kapag ito ay tuluyang gumaling na.   […]

  • Omicron variant nakakamatay pa rin para sa mga vulnerable, ‘di pa bakunado vs COVID-19 – expert

    Pinaalalahanan ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana ang publiko na nakakamatay pa rin ang Omicron variant sa harap ng mga reports na ito raw ay less fatal kumpara sa ibang variants ng COVID-19.     Ayon kay Salvana, maaring mas less deadly ang Omicron kumpara sa Delta variant pero maari pa rin […]

  • British boxer Amir Khan pinababa sa eroplano dahil sa maling pagsuot ng face mask

    Pinababa sa eroplano sa US ang British boxer na si Amir Khan.     Ayon sa 34-anyos na boksingero, pinababa sila ng mga otoridad ng American Airlines matapos na ireklamo sa kapulisan na hindi nakasuot ng tama ang face mask ng kasamahan nito.     Mula sa Newark Airport patungong Dallas-Fort-Worth ang biyahe na naantala […]