• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pokwang na binash dahil sa maling spelling, bumuwelta rin: Statement ni ELLA na ‘History is like a chismis’, pinag-uusapan pa rin

USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz nang tanungin tungkol sa pagganap bilang Irene Marcos sa pelikula ng Viva Films na “Maid In Malacañang” na mula sa direksyon ni Darryl Yap.

 

 

Natanong kasi sa aktres, “Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, sa mga Marcoses at kung anu-ano pa. Ano ang punto de bista as an actress? Ano ang point of view mo?”

 

 

Na sinagot naman niya na nag-viral, “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

 

 

Base ang kuwento sa “reliable source”, ilang araw bago ang naganap na pagpapalayas sa pamilya Marcos noong EDSA People Power Revolution.

 

“Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there was so much pressure on their side during those times?” pahayag pa ni Ella.

 

 

Nag-trending din Kapuso actress na si Pokwang na nakisawsaw sa isyu, dahil sa kanyang tweet kung saan nagkamali siya sa spelling ng iodine, dahil nagkulang ito ng ‘e’.

 

 

Komento ng komedyana na gumanap na ina ni Ella sa Kapamilya series na “Aryana”, “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan.”

 

 

Puna tuloy ng mga netizens, bago daw niya sana punahin si Ella ay siguraduhing tama ang kanyang pino-post:

 

 

“Iodine ata not iodin. Lols. Mangangaral ka lang siguraduhin mong tama spelling mo. Matalino ka na nyarn?”

 

 

“Yun nga kalakas magturo kung ano nakakatalino pero wrong spelling IODINE niya mukha siya may kailangan.”

 

 

Kaya naman ‘di napigilan si Pokwang na patulan ang mga bashers na ipinagdidiinan ang kanyang pagkakamali.

 

 

Ni-retweet naman ng komedyana ang screenshot ng Facebook post niya na kung saan tama ang spelling ng iodine, na ayon na nagtanggol sa kanya, ito raw ang resibo.

 

 

Kaya humirit si Pokwang bilang patama sa mga bashers, “Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???”

 

 

Dagdag pa niya, “O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!!

 

 

“Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?”

 

 

Samantala, makakasama ni Ella sa “Maid In Malacañang” sina Cesar Montano (Pangulong Ferdinand Marcos Sr.), Ruffa Gutierrez (First Lady Imelda Marcos), Diego Loyzaga (Bongbong Marcos), Cristine Reyes (Imee Marcos), at sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo naman ang gaganap na mga yaya sa palasyo.

 

 

Nakatakda na itong ipalabas sa July 20 kaya puspusan na ang shooting at inaasahan na marami ang magkakainteres na panoorin ito sa mga sinehan, maka-BBM man o hindi, lalo pa nga’t bawal na bawal na pag-usapan o maglabas nang ano mang kuwento tungkol sa itatakbo ng pelikula.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy

    Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente.       Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM […]

  • Ads April 19, 2023

  • City bus humihingi ng fare hike

    MAY grupo ng mga city bus companies ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang humingi ng fare hike dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo.       Ang Mega Manila Consortium na naghain ng petisyon sa LTFRB ay humihingi ng provisional na P7 na taas ng […]