“POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan
- Published on June 21, 2024
- by @peoplesbalita
BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.
Nabatid na habang nakaupo umano ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Martinez Extention, Brgy. 28, dakong alas-7:00 ng gabi nang lapitan siya ng nag-iisang salarin at agad na pinaputukan ng dalawang ulit sa mukha.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan naman ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Richard Mesa)
-
Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’
KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang umiiral at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum. “I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for […]
-
Pagsisimula ng FIFA World Cup napaaga
INIURONG ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito. Imbes kasi na sa Nobyembre 21 ay ginawa na lamang ito sa Nobyembre 20. Ito ay para payagan ang paglalaro ng host nation na Qatar laban sa Ecuador sa unang. Ang nasabing desisyon […]
-
Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto
Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus. Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute. Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]