• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pole vault sensation EJ Obiena mainit na tinanggap ng UST para sa kanyang homecoming

GINANAP  ang pagtanggap sa world’s number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at mga estudyante para sa kanyang homecoming.

 

 

Bandang alas-10:05 ng umaga nang makarating si Obiena sa unibersidad kasama ang kanyang girlfriend na isa ring atleta mula Germany na si Caroline Joyeux.

 

 

Una rito, naging puspusan daw ang paghahanda ng nasabing institusyon para sa victory homecoming ng dating Olympian.

 

 

Sinabi  ni Joreen Rocamora ng UST Office of Public Affairs, gagawaran ng St. John Paul II Award si Obiena kung saan ibinibigay ito sa mga estudyanteng may outstanding achievement mapa-national o international competition man sa larangan ng sports.

 

 

Inaasahan naman na mas magiging busy nang muli sa mga trainings ng nasabing atleta para sa paghahanda sa mga susunod pa niyang mga laban.

Other News
  • Labis ang pasasalamat sa bagong ‘glam team’: HEART, emosyonal at naiyak sa pagtatapos ng ‘Paris Fashion Week’

    SA pagtatapos ng Paris Fashion Week, naging emosyonal at hindi napigilang maiyak ng fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista.   Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Heart ang isang vlog na kung saan ipinasilip niya ang ilang kaganapan sa huling araw niya sa Paris, France kasama ang kanyang bagong glam team.   […]

  • Ads December 17, 2021

  • VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan

    Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers.     Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas.     Maraming mga […]