Police visibility ngayong Holiday Season sa CAMANAVA area, sapat – NPD chief
- Published on December 10, 2024
- by @peoplesbalita
TAHASANG sinabi ni Northern Police District (NPD) Director PCol. Josefino Ligan na sapat ang ikakalat nilang mga pulis sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area kasabay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ayon kay Ligan, bagama’t inaasahan ang kaliwa’t kanang mga selebrasyon, nakaantabay pa rin ang mga pulis sa lugar upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. Naglabas na rin siya ng kautusan sa kanyang apat na chief of police para sa police visibility.
Kasabay ng isinagawang Christmas Lighting Ceremony sa NPD Headquarters nitong Biyernes, sinabi ni Ligan na ang Pasko ay mananatiling simbolo ng pag-asa, pagkakaisa at kasiyahan ng bawat Pilipino.
Ani Ligan, kaisa ng mga residente ng CAMANAVA ang mga pulis na 24/7 na magsasagawa ng pagpapatrol sa mga lansangan partikular sa mga matataong lugar.
Sa katunayan, nakikipag-ugnayan sila sa mga negosyante o may-ari ng mga establisimyento upang maiwasan ang anumang krimen ngayong Holiday Season. (Richard Mesa)
-
Final testing and sealing ng mga VCM sa Israel, naisagawa
INIULAT ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan. Isinagawa ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa darating na Linggo. Naging bukas naman ito sa mga […]
-
“CREED III” THE FIRST SPORTS MOVIE SHOT ON IMAX CAMERAS
STARTING March 1, experience “Creed III” — the first sports movie to be shot on IMAX cameras — as Director Michael B. Jordan intended, with Filmed-For-IMAX technology and its exclusive Expanded Aspect Ratio. The hits have more impact, the mats vibrate louder, the lights are brighter! Watch the film’s “A Look […]
-
Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar. Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]