POLICE WOMAN NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
Kalaboso ang isang police woman matapos walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm makaraang makatalo ang kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang dinakip na si PSSg. Karen Borromeo, 39 ng Purok 6 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon at nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 4 na mahaharap sa kaukulang kaso.
Ayon kay BGen. Cruz, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ni PSSg Borromeo at ng kanyang live-in partner dahil sa selos na naging dahilan upang walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm ang pulis sa harap ng bahay sa No. 119 Dulong Herrera St. Brgy. Ibaba dakong 7:45 ng gabi.
Nang marinig ng isang sky cable installer na nasa roof top ng kanyang bahay ang sunod-sunod na mga putok ng baril ay agad niyang ipinaalam ang insidente sa Malabon Police Sub-Station 6.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni P/Lt. Mannyric Delos Angeles kung saan sumuko sa kanila si PSSg Borromeo at kanyang cal. 9mm Glock service firearm.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang 14 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.
Ayon kay BGen. Cruz, si Borromeo ay positibo sa paraffin examination subalit, negatibo ito sa drug test at alcoholic breath.
Mariing sinabi ni BGen. Cruz na hindi uubra sa serbisyo ang mainit na ulong pulis kaya kailangang managot at harapin ang isinampang kaso.
“Erring Police Officer who will be caught indiscriminately fired their Service Firearm will be dealt accordingly and the Officers and Men of the Northern Police District assure the public that the full force of the law shall be applied in the case of PSSg Borromeo and let the wheel of justice roll,” ani PBen. Cruz. (Richard Mesa)
-
Ads February 13, 2024
-
Tigil-pasada naging payapa – PNP
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang pagsasagawa ng 3-day transport strike ng PISTON (Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide). Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan batay sa report na ipinadala ng […]
-
Naire-record na average COVID test kada araw, umakyat na sa 10,000
UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno. Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng datos na ipinresenta nito na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa Corona virus test. Ayon kay Galvez, […]