Polidario, Magdato wagi
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
IBINAON nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport.
“Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league nakuha namin ang championship.” wika ni Polidario. “Sabi namin kanina, ‘pag championship all out na talaga kami kaya dahil all out talaga ginawa sa bawat puntos . Basta championship bigay na talaga kasi go for gold, yun talaga ang pinunta namin dito.”
Idinugtong naman ni Magdato: “Napakasaya sa feeling hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko especially ng partner ko. Thank you so much talaga Lord and thank you so much sa lahat ng sumuporta sa amin. Hindi namin pinagkaila na malakas din sila kalaban, but of course bilog din ang bola so lahat posible mangyari sa loob ng court saka ginawa lang namin ang best namin.”
Ang Abanse Negrense B nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva rin ang nag-bronze nang bulagain din ang Sta. Lucia Realty B nina Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Jonah Sabete, 21-13, 22-20. (REC)
-
‘Bakuna Bubble’ gustong i-test sa NCR areas na may high vaccination rates
ISINUSULONG ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang test implementation ng “bakuna bubbles” sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila na mayroong vaccination rates laban sa COVID-19. Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na ang pagpapatupad “bakuna bubbles” sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may high vaccination rates ay makapag-aambag sa […]
-
PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao. Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon. Nakasaad sa Proklamasyon Bilang 298 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas […]
-
Mas makatutulong lalo na sa mga migranteng manggagawa: ATTY. HONEY QUIÑO, na-inspire kay ARNELL kaya tinanggap ang posisyon sa OWWA
KILALA na si Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño sa entertainment industry bilang isang movie producer. Pag-aari niya ang AQ Prime at A & Q Production Films na nakapag-produce na ng mga pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang “Nelia” at “Peyri Teyl”, ang latest film ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang “Ligalig”, […]