Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race.
“’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that and we respect also that the camp of Senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, sinabi ni SC Spokesperson Brian Hosaka na nagkaisa ang korte na bumoto na ibasura ang nasabing protesta na may limang taon na ang nakalilipas nang ihain ito ni Marcos noong Hunyo 29, 2016.
Sa limang 15 mahistrado na dumalo sa pulong ay 7 mahistrado ang “fully concurred” sa pagbasura sa petisyon habang ang natitirang bilang ay “concurred” sa resulta.
Sinabi ni Hosaka na ang nasabing desisyon ay ia-upload sa website ng Korte Suprema sa oras na maging available na ito.
Hindi naman masabi ni Hosaka kung ang desisyon ay maaarinng iapela.
“I cannot answer the question because I only have the information which I read,” anito.
Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo na hindi pa nila natatanggap ang naturang kopya ng desisyon.
“Hindi pa kami nakakatanggap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon,” ayon kay Macalintal.
“Ngayon lang kami magkakausap mula nung magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, naghain ng memorandum sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating Senador Bongbong Marcos para sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Humingi ng konsiderasyon si Marcos sa PET na repasuhin at muling pag-aralan ang paunang resulta ng poll recount.
Matatandaan na nitong Oktubre ng taong 2019, inihayag ng PET na batay sa initial recount sa tatlong pilot provinces, lumaki pa ng 15,000 ang lamang ni Robredo kay Marcos. (Daris Jose)
-
38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA
NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan. Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023. Bumaba naman sa 8% noong […]
-
Full face to face classes ng public schools sa Nobyembre 2, tuloy – DepEd
TULOY pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2 sa kabila ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19. Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pa silang anumang amendments […]
-
Ads February 20, 2021