Pondo para sa gov’t wage hike, ganap ng inilabas -DBM
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
GANAP nang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa agarang pagpapatupad ng umento sa sahod para sa mga manggagawa sa gobyerno.
Sa katunayan, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, nagpalabas ang DBM ng kabuuang P36.450 billion sa lahat ng 308 departamento at ahensiya ng pamahalaan, ‘as of Wednesday,’ Setyembre 25, sumasalamin ito sa ganap na pagpapalabas ng pondo para sa Salary Standardization Law VI.
“In light of this, I am appealing to the heads of the respective departments/agencies to hastily enforce the salary adjustments by taking necessary steps forward, including the process and issuance of the Notices of Salary Adjustment (NOSA), so that our government workers may start receiving their differential and salary increases,” ang sinabi ng Kalihim.
Sinabi pa rin niya na ang first tranche ng salary increases para sa mga government workers ay magsisimula sa retroactive mula January 1, 2024, kasunod ng kautusan na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinalabas noong August 2, 2024, sakop ng Executive Order 64 ang lahat ng civilian government personnel sa Executive, Legislative, at Judicial branches; constitutional commissions at iba pang constitutional offices, at maging ang mga manggagawa sa government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at local government units.
Nauna rito, sinabi ng DBM na ang first tranche ng salary increases ay popondohan sa pamamagitan ng miscellaneous personnel benefits fund (MPBF) at unprogrammed appropriations, mayroong average increase na 4.41% para sa salary grades (SGs) 1 hanggang 31.
“This will bring the minimum basic salary under SG1 up by P530 to P13,530, with the increase for SG1 to SG10 between 4% and 5.20%,” ayon sa DBM.
Para naman sa professional level o SG11 to SG24, kabilang ang mga manggagawa na ni-require ng ahensiya na isagawa ang kanilang mandato, ang umento ay mula 4.50% hanggang 5.60%.
Sa Managerial levels o SGs 25 to 28, mayroon itong umento sa sahod mula 4.15% hanggang 4.40%, executive levels o SGs 29 hanggang 31 na may 2.65% hanggang 3.90%, at top leaders o SGs 31 hanggang 33 na may 2.35% hanggang 2.40%.
Samantala, sinabi ng DBM na naglaan ito ng P70 billion sa panukalang national budget para sa 2025 para ipatupad ang unang two tranches ng umento sa sahod ng mga government worker, sakop ang mga taon na 2024 at 2025. ( Daris Jose)
-
DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay
NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista. Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa. Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam […]
-
Dahil na idol na idol ang dating senador: ROBIN, pinipilit ihawig ang buhay niya kay GRINGO
DAHIL si Senator Robin Padilla ang gaganap bilang si dating Senador Gringo “Greg” Honasan sa pelikula tungkol sa buhay nito, tinanong namin siya kung ano ang pagkakapareho nila. “Siyempre alam niyo po, iyong isang, isang bagay… marami pong pagkakahawig kasi pinipilit kong ihawig, talagang idol po namin siya, e,” lahad ni Robin. […]
-
16 DILG regional offices, ISO-certified na-DILG
TINATAYANG may 16 regional offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinagkalooban ng International Organization for Standardization (ISO) 9001: 2015 certification. Ito’y bunsod na rin ng pagtalima ng 16 DILG regonal offices sa quality management system standards. Sa isang kalatas, sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. […]