• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pooled testing vs COVID-19 plano ng Palasyo

Kinokonsidera ng gobyerno ang ‘pooled testing’ sa mga Pilipino para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 dahil sa kakulangan ng kakayanan na masuri ang buong bansa.

 

Batay kay Presidential spokesman Harry Roque, makatutulong ang pooled testing na ma-diagnose ang mas maraming indibidwal.

 

“If we can afford it, why not? But the reality is, hindi natin maa-afford ang testing sa lahat ng 110 million Filipinos. Pero gagawa po ng hakbang ang ating gobyerno para mas maparami ang testing natin,” ani Roque.

 

“Kinokonsidera na po natin iyong tinatawag na pooled testing. ‘Yung sa isang kit na testing sampung tao ang isa-swab at ite-test para makita kung mayroong positibo sa kanila. Kung mayroong positibo sa kanila, lahat sila individually, ipi-PCR (polymerase chain reaction),” dagdag pa nito.

 

Sa ilalim ng pooled testing, ang sample mula sa maliit na grupo ng mga tao ay susuriin.

 

Kung magnenegatibo, ang mga tao sa naturang pool ay ikokonsiderang clear sa virus at kung sakaling magpositibo, lahat ay susuriin isa-isa.

 

“Easily 25 million people can be tested through pooled testing,” paliwanag ni Roque.

 

“At iyan na po ang hakbang na ginagawa ng gobyerno dahil alam natin na kapag na-test at nahanap natin kung sino ang mayroong COVID-19, pupuwede na silang i-isolate nang hindi na makahawa.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kasama sa Holy Week special programming: Movie nina LIZA at ENRIQUE, mapapanood na sa GMA ngayong Black Saturday

    NGAYONG long weekend, hatid ng GMA Network sa Kapuso viewers ang special Holy Week programming to keep connected in their faith and reflection habang magkakasama sa kani-kanilang tahanan.     Simula ngayong Maundy Thursday sa quick vacation via “Biyahe ni Drew” at 6 a.m.     Kasunod nito, muling balikan ang stories of His miracles […]

  • WNBA star Brittney Griner hinatulang makulong ng 9 taon sa Russia

    HINATULANG  makulong ng siyam na taon ng korte sa Russia si WNBA star Brittney Griner.     Bukod pa dito ay pinagbabayad pa si Giner ng 1 milyon rubies o katumbas ng $16,300.     Nakita kasi ng judge sa Russia na guilty si Griner sa kasong kinakaharap nito.     Naging emosyonal si Griner […]

  • PBBM, ipinag-utos ang adopsyon ng Nat’l Cybersecurity Plan 2023-2028

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang adopsyon at implementasyon ng National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 para palakasin ang seguridad at katatagan ng cyberspace ng bansa. Sa ilalim ng Under Executive Order (EO) 58 na tinintahan ni Pangulong Marcos nito lamang Abril 4, ang NCSP 2023-2028 na nilikha ng Department of Information and Communications […]