Pope Francis nakiisa na rin sa ‘global vaccination’ campaign, nakatakda magpabakuna next week
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
Nakiisa na rin ang Pope Francis ang pinaka mataas na lider ng Simbahang Katoliko sa global vaccination campaign laban sa nakamamatay na virus ang Covid-19.
Nitong Sabado, mismong si Queen Elizabeth ng Great Britain at ang asawa nitong si Prince Philip ay binakunahan na ng Covid-19 vaccine, kahapon bagay na kinumpirma mismo ng Buckingham Palace.
Ito’y matapos nalagpasan ng United Kingdom ang nasa mahigit tatlong milyong kaso ng Covid-19 cases.
Sa ngayon, higit 1.5 million katao sa Britanya ang nabakunahan na at tinaguriang “biggest immunization” program.
Nitong Sabado, hinimok ng Santo Papa ang sambayanan na magpakabuna bilang panangga sa coronavirus na sa ngayon may ibat ibang variant ng virus ang na-detect.
Ibinunyag din ni Pope Francis na posible sa susunod na Linggo siya ay babakunahan kapag sinimulan na rin ng Vatican ang kanilang kampanya.
“There is a suicidal denial which I cannot explain, but today we have to get vaccinated,” pahayag ng Santo Papa sa isang panayam na nakatakdang i broadcast ngayong araw, Linggo.
-
Andrea, in-unfollow na ang Instagram account ni Derek
HABANG isinusulat namin ang kolum namin ay wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres na pareho naming pinadalhan ng private message. Nalungkot kami kung totoo ngang break na sila. Pero, malaki rin naman ang posibilidad na baka may tampuhan lang. At kung pagbabasehan ang galawan ng kanilang social media accounts, lalo […]
-
Kasama sa napiling ‘People of the Year 2025’: KRIS, first time na nagpakita sa publiko para suportahan si MICHAEL LEYVA
PINAG-USAPAN ang first public appearance ni Queen of All Media Kris Aquino pagkatapos ng maraming taon. Dumalo si Kris sa awarding ng ‘People of the Year 2025’ ng PeopleAsia magazine na kung saan kasama sa pinarangalan ang kanyang malapit na kaibigang fashion designer na si Michael Leyva, kaya sinuportahan niya at personal na i-congratulate. Makikita nga […]
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]