• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19

Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.

 

Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City State, maging ni Bishop Georg Gaenswein, Private Secretary ni Pope Francis.

 

Nauna nang inanunsyo ni Pope Francis sa isang panayam na plano niyang magpabakuna kontra COVID-19 ngayong linggo.

 

Sinabi ni Pope Francis na “ethical action” ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sapagkat nakasugal ang kalusugan ng isang tao sa laban kontra coronavirus pati rin ang buhay ng ibang tao. (Vatican News)

Other News
  • Pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management program sa Navotas, pinaigting

    SA hangarin na palakasin ang kanilang ecological solid waste management (ESWM) program, pumasok sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Mother Earth Foundation (MEF) at ang Dept. of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR EMB-NCR).     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco […]

  • VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

    TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.     Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.     “Modesty aside, Manila has the most effective vax passport […]

  • Mister todas sa kandila

    NASAWI ang 59-anyos na padre-de-pamilya na may tinataglay na karamdaman nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Navotas City, Sabado ng madaling araw.     Sa ulat ni Caloocan Fire Marshal F/Supt. Ronaldo Sanchez, nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-3:49 ng madaling araw sa bahay ng biktimang si alyas “Peter” sa Area 1 Block 26, […]