Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin
- Published on June 29, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.
Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang shortage.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng panukala ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kunin ang serbisyo ng mga hindi pa lisensiyadong nurses para punan ang mga bakante sa public health institutions.
Umani ito ng reaksyon sa ibang sector.
Nilinaw ng Professional Regulation Commission na hindi maaaring bigyan ng temporary o special licenses at magtrabaho sa government hospitals ang mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.
Sinabi ni Nograles na naiwasan sana na nagkaroon ng isyu kung nagkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders.
Kabilang na rito ang mga government agencies tulad ng Department of Health, Department of Labor and Employment, budget department, at local government units, at iba pang stakeholders sa health sector.
“Kailangan pag-usapan ang mga isyu gaya ng nurse to patient ratio, working hours, salary, at iba pa. What is stopping us from hiring more nurses? Let’s identify these barriers and closely collaborate to find a solution that we can implement,” pahayag nito.
Handa rin ang mambabatas na sumali sa posibleng talakayan bilang miyembro ng kongreso.
“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” pagtatapos ni Nograles. (ARA ROMERO)
-
PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA
LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button. Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]
-
Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
NAKATAKDANG isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]
-
Ads June 17, 2024