Posibilidad na ‘external threat’ ang sanhi sa New Year’s Day glitch sa NAIA kasama sa iniimbestigahan – DOTr
- Published on January 5, 2023
- by @peoplesbalita
KABILANG sa iniimbestigahan ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines Aerodrome and Air Navigation Safety Oversight Office (AANSOO) ang posibilidad na “external threat” ang dahilan sa nangyaring technical glitch sa NAIA na naging sanhi sa total shutdown ng operasyon ng paliparan at pagkansela sa mahigit 300 mga international at domestic flights at nasa nasa 65,000 pasahero ang naapektuhan.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista hindi nito inaalis ang posibilidad ng panlabas na pag-atake sa Air Traffic Control System ng Pilipinas.
Sinabi ni Bautista lahat ng posibilidad ay pakatutukan ng probe team.
Aniya may mga ispekulasyong nagsilabasan subalit ni isa dito ay hindi nila makumpirma sa ngayon.
Pagtiyak ng kalihim gagawin nila ang lahat para hindi na maulit pa ang nasabing insidente.
Sa kabilang dako, nanindigan si Bautista na ang nangyaring technical glitch nuong new years day ay dahil sa outdated facilities na kailangan na talagang palitan ng modernong facilities.
Aminado si Bautista na 10 taon ang layo ng airport ng Pilipinas kumpara sa mga paliparan ng ibang bansa na mga modernong kagamitan na ang ginagamit.
Personal na nagsagawa ng inspeksyon ang kalihim upang alamin ang sitwasyon sa paliparan at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Siniguro ni Secretary Bautista na lahat ng apektadong pasahero na nakansela o na-delay ang flights ay maayos ang kalagayan at maibibigay ang anumang tulong na kanilang kailangan.
Tinungo din ni Secretary Bautista ang CAAP kung saan kaniyang inalam ang sanhi ng nangyaring aberya sa Air Traffic Control System na nag-resulta sa pagkakabalam ng mga biyahe sa Ninoy Aquino International Airport. (Daris Jose)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon
SABAY NA napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila. “Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.” Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard. “Hello po! […]
-
DeEd sa reg’l offices: Paghandaan na ang ‘limited in-person classes’
HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang ilan pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa na patuloy na paghandaan ang pagpapatupad ng limited in-person classes sa kanilang mga lugar. Ito ay matapos na atasan ni Briones ang lahat ng mga regional directors ng Department of Education […]
-
Jesus; Matthew 6:34
Do not worry.