Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna.
Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa ikinukunsidera ng ahensiya para na rin sa kaligtasan ng mga vulnerable at high-risk na mga senior citizens.
Plano rin ng ahensiya na makipag-ugnayan sa Department of Education (DEPED) para naman sa paglalagay ng vaccination sites sa mga public elementary schools upang marami ang vaccination sites at mas madaling puntahan ng mga tao.
Target aniya ng mga itatalagang vaccination team na mabakunahan ang 100 pasyente sa isang araw.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng sistema mula sa master listing, pre-registration at reporting ng mga adverse effects.
Ngunit aminado naman si Duque na hindi pa rin maiiwasan na mag-manual na paraan sa inoculation dahil maraming lugar sa bansa ang walang internet. (ARA ROMERO)
-
Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’
DOMINANTENG variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos. Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa […]
-
BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19
NAKATAKDANG italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing Archdiocese. Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo upang makatulong sa pangangasiwa […]
-
Mahigit 34-K na pamilya apektado pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro
MAYROONG 34,553 na pamilya mula Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong ding 13,654 na mga pangkabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng oil spill. Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang ginagawang pagtutulungan ng mga iba’t ibang […]