• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw

ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

 

 

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng panibagong sub- variant.

 

 

Concern ani David sila sa posibilidad na makapasok sa bansa ang sub- variant na tiyak aniyang magpapataas sa kaso ng COVID sa Pilipinas.

 

 

Batay sa kanilang projection, hindi naman nila nakikitang magiging kasing taas ng kaso nung January ang posibleng mangyari anomang araw.

 

 

Tinatayang, 50,000 hanggang 100, 000 ayon kay David ang kanilang tinatayang maitalang active cases o 5 libo hanggang sampung libong kaso kada araw.

 

 

Samantala, puwede pa rin naman aniyang mabago ang naturang projection. (Daris Jose)

Other News
  • 133,000 family food packs, ipinadala sa Enteng affected areas -DSWD

    IPINADALA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 133,000 family food packs sa mga lugar na labis na tinamaan ng Tropical Storm Enteng.     Iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay pino-proseso na nila ang isa pang 100,000 family food packs.   […]

  • 2 kelot na nagtangkang magpuslit ng droga sa Valenzuela City Jail, tiklo

    BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki na magkasunod na nagtangkang magpasok ng shabu sa loob ng Valenzuela City Jail matapos silang maaresto ng mga jail officer.     Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-5:20 ng hapon nang dumating sa Valenzuela City Jail sa Brgy. Malinta […]

  • Ads June 21, 2021