• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PPA net income tumaas ng 3% sa Q1 sa gitna ng pandemya

Inuulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na tumaas ang kanilang net income ng 3 percent ng nakaraang First Quarter kahit na may pandemya.

 

 

Sinabi ni PPA general manager Jay Santiago na umaasa ang kanilang ahensiya na magiging pangunahing taon ito para sa PPA upang makabangon sa masamang epekto ng COVID 19.

 

 

“If the first quarter of 2021 is any indication, the PPA is in for another good year in spite of the pandemic. The agency posted a three percent hike in net income in the same first three months of 2021, suggesting that economic activities are now rebounding from the effects of the pandemic,” wika ni Santiago.

 

 

Noong nakaraang 2020, ang PPA ay nakapagtala ng net income na P6.14 billion pagkatapos ng bayad sa taxes at 16 percent na mababa sa nakaraang taon sa parehas na panahon dahil sa epekto ng pandemya.

 

 

Ang cargo volume ay bumaba ng 230.43 million metric tons (MMT) noong nakaraang taon mula sa 266.42 MMT noong 2019.

 

 

Umaasa ang PPA na makakabawi sila sa cargo traffic itong taon subalit hindi pa rin babalik ng madali sa antas noong panahon na wala pang pandemya.

 

 

“For 2022 and 2023, PPA’s growth forecast for cargo volume is conservative at between one and three percent. The PPA is also forecasting passenger traffic to hover at between 25 million and 27 million this year up to 2023 or a growth of about one to two percent,” dagdag ni Santiago.

 

 

Mula noong 2016 hanggang 2020, ang PPA ay nakapagsulit ng mahigit na P17 billion na dividends sa national government kung saan ito ay mas doble sa P8.27 billion dividends na nabigay mula noong 2010 hanggang 2015.

 

 

Sa ilalim ng existing law ng PPA, inuutusan ang ahenisya na magbigay na 50 percent ng kanilang net income kada taon sa national government subalit ngayon taon, ang board ay nagdesisyon na magbigay ng 56 percent ng kanilang net income sa taong 2020 na nagkakahalaga ng P3.54 billion.

 

 

Wika pa ni Santiago na ang malakas na financial foundation ng PPA ay nakasalalay sa walang kapantay na pagsisilbi sa publiko at ang kanilang anti-corruption efforts.

 

 

“This is a clear testament that transparent and honest public service goes a long way and the whole PPA organization is proud of its accomplishments,” saad ni Santiago.

 

 

Nakatulong rin sa ahensiya ang kanilang malakas na performance upang magkaron ng financial flexibility na makakatulong sa kasalukuyang health emergency hatid ng COVID 19 at gumawa ng mga kailangan infrastructure projects sa mga pantalan ng bansa.

 

 

“This will go a long way in helping the national government in the country’s continuing fight against the global pandemic and the desire of the President to give comfortable lives to every Filipino,” sabi ni Santiago. (LASACMAR)

Other News
  • DILG, pinaigting ang anti-drug ops sa gitna ng mataas na paggalaw sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1

    NAKITA ng mga tagapagpatupad ng batas ang makabuluhang pagtaas sa volume ng nasabat na ilegal na droga sa isang operasyon noong nakaraang linggo sa gitna ng tumaas na paggalaw sa maraming lugar sa ilalim ng “most relaxed” Alert Level 1.     Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año […]

  • Mikee Mojdeh hakot ng 7 golds sa Thailand

    GUMAGAWA rin ng pangalan si Behrouz Elite Swimming Team (BEST) tanker Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh matapos kubrahin ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa 2024 Asian Open Schools Invitational Age Group Swimming Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand.         Humakot ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout na si Mojdeh ng kabuuang […]

  • Aabangan naman kung kailan magaganap ang kasal: RIA at ZANJOE, kinumpirma na rin na engaged na sila

    KINUMPIRMA na nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kahapon, ika-20 ng Pebrero na engaged na sila.     Sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, in-announce ng dalawa ang kanilang engagement, kalakip ang mga larawan, kasama ang bonggang engagement ring ni Ria.     “Forever sounds good,” caption ni Ria, na may white heart at ring […]