PRAYER RALLY SA COMELEC, GINAWA
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Fr.Robert Reyes ang prayer rally kasama ang ilang grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila ngayong Miyerkules upang ipagdasal na maisagawa ng mga nakaupo ang patas at malinis na halalan sa Mayo 9.
Partikular na ipinagdasal ni Fr. Reyes kasama si Fr. Flavie Villanueva at mga miyembro Urban Poor Associates (UPA) na magabayan ang Comelec , maging ligtas at mailayo sa anumang anomalya tulad ng pandaraya, pagbebenta ng boto, panlilinlang at pagkilng sa mga makapangyarihang kandidato.
Ipinagdasal din ng running priest na magawa ng mga komisyuner at kanilang mga kawani ang kanilang trabaho ng maayos nang walang pagkiling sa kandidato dahil sila ang pinaka-importanteng sangay ng pamahalaan ngayong eleksyon.
Umaasa rin ito na mangunguna ang Comelec na madepensahan at maingatan ng Comelec ang mga balota at proseso sa gagawing halalan gwyundin ang pagbibilang ng boto.
Hiniling din ng Pari sa lahat ng Pilipino na ipagdasal ang nalalapit na eleksyon upang magkaroon ng pangulo na siyang tutulong upang maiahaon sa kahirapan, korupsyon, karahasan at pansariling interes sa pulitika ang ating bansa. (GENE ADSUARA )
-
Warriors star Curry at BTS member Suga nagkita na
NAGKITA na sina Golden State Warriors star Stephen Curry at BTS member Suga. Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Japan kung saan nagpalitan sila ng mga gamit. Isang basketball jersey ang ibinigay ni Curry na pirmado niya habang isang pirmado na kopya ng BTS album na “Proof” ang ibinigay ni Suga. […]
-
Lacson at Sotto, sumailalim sa voluntary drug test
Magsasanib pwersa ang Philippine National Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pag-imbestiga sa isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nasimulan na ng PDEG ang pagbeberipika ng naturang impormasyon at nangangalap na ng mga ebidensya. Paliwanag niya, nagbibigay ng update […]
-
Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA
PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa. Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw. “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]