PRC, aminadong hindi madali ang pagsasagawa ng licensure examination sa gitna ng pandemya
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG umabot na sa 62 mula sa 101 scheduled licensure examinations ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) noong 2021 kumpara noong 2020 na nasa 11 mula sa 85 examinations lamang.
Sa Laging Handa briefing, inamin ni PRC Chairperson Teofilo Pilando, Jr., na hindi naging madali ang pagsasagawa ng mga examinations sa nakalipas na taon dahil ongoing pa rin ang pandemya at pabagu-bago ang mga community quarantine classifications, travel restrictions at ang safety protocols.
Gayunpaman, kahit papano’y may mga naisakatuparan pa ring mga licensure examination ang kanilang ahensya.
Aniya, ito’y sa tulong na rin ng pakikipag-ugnayan, tulungan at pag-apruba ng National at local IATF, local government units at iba pang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Pilando, ikinunsidera at binalanse rin nila sa pagsasagawa ng eksaminasyon ang kaligtasan ng mga examinees, mga exam personnel at ang pangangailangan ng bansa ng mga competent professionals.
Mga vaccinator, isinailalim sa retraining muna bago ang pag arangkada ng pagbabakuna sa mga batang 5 to 11yo ngayong araw
-
Ads July 29, 2023
-
Baser pinasalamatan Meralco
NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Baser Amer para sa nilaruan niya ng limang taon na Meralco. Aprubado na noong Huwebes, Pebrero 4 ni pro league commissioner Wilfrido Marcial ang swap sa pagitan ng Bolts at Blackwater kung saan napunta sa Bossing sina Amer at Bryan Faundo kapalit ni Rey […]
-
Lalaki pinagbabaril sa Malabon, dedbol
TODAS ang 40-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw. Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Ruel”, residente ng C, Perez St. Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St. sa […]