PRC, nanawagan sa publiko na maging vigilante laban sa mpox
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon sa publiko na maging vigilante laban sa mpox, kasunod na rin ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 18 lamang.
“With the lessons learned from the Covid pandemic, we are better equipped and prepared to tackle the challenges mpox may bring us. We will pool our resources and coordinate actively with the Department of Health (DOH) to help prevent the spread of the disease. The Red Cross continues to advocate for the protection of all,” ayon kay Gordon.
“We ask the public to learn more about mpox, keep up to date on the news, and be vigilant in case more cases develop in the country,” aniya pa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mpox ay isang infectious disease na dulot ng monkeypox virus.
Maaaaring mahawa ng sakit sa pamamagitan ng direct contact sa mga tao o hayop na infected ng sakit, o kaya ay mula sa mga kontaminadong materyales.
Samantala, binigyang-diin naman ni PRC Secretary General Dr. Gwen Pang ang kahalagahan ng early detection at pangangalaga upang maiwasan ang pagkalat ng mpox.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan na kaagad na kumonsulta sa doktor kung nakakaranas ng mga sintomas nito.
“We encourage people who may experience some of the symptoms to undergo medical checkups and testing. This is crucial so they can get proper treatment as soon as possible,” ani Pang.
-
COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study
Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto. Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic. Kasunod ito ng ulat […]
-
NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List
NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre. Nasa 1000 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5000 sa ilalim ng AICS habang 50 naman ang nabigyan ng 22-footer na bangka na mayroong 16hp engine, lambat, at […]
-
DSWD, binigyang-linaw ang pagkakaiba ng 4Ps at Food Stamp Program
NILINAW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaiba ang bagong programa na WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Paliwanag ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ang food stamp program ay binuo upang matugunan ang kagutuman, lalo na sa mga mahihirap na pamilya […]