• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRC, vindicated vs kuwestyon sa kanilang COVID test results

Ikinagagalak ng Philippine Red Cross (PRC) ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing accurate ang COVID-19 RT-PCR swab tests.

 

 

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng isyu, matapos lumutang na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales.

 

Ayon sa pangulo, tila hindi makatwiran ang paniningil ng mahal para sa hindi naman tiyak na pagsusuri.

 

 

Pero base sa paliwanag ni Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon, hindi lang para sa mga gamit ang sinisingil, kundi pambayad rin sa mga medical technologist at iba pang tauhan na buwis buhay din sa pag-aasikaso ng mga sample.

 

 

Ayon kay Gordon, hindi matatawaran ang papel ng mga gumagawa ng test, dahil tuwing nagtatrabaho ay nalalantad sila sa posibleng impeksyon.

 

 

Kaya naman, sa isang pahayag, sinabi ng PRC na nagpapasalamat sila sa patas na imbestigasyon ng RITM-DOH sa nasabing usapin.

 

 

Patunay lamang umano ito na naging biktima sila ng walang basehang alegasyon, para sirain ang kridibilidad sa harap ng publiko.

 

 

“The PRC has found itself a victim of unsubstantiated allegations in recent months. This is due to damning evidence against involved parties in the awarding of more than Php8.7 billion in contracts for overpriced medical supplies to an undercapitalized company under the Bayanihan to Heal Act. Senator Richard Gordon has been leading the investigation of the Senate Blue Ribbon Committee as its Chairman. Senator Gordon is also the Chairman and CEO of the PRC, under whose watch the humanitarian organization has undergone an intensive modernization program,” saad ng pahayag mula sa PRC. (Daris Jose)

Other News
  • BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR

    UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020.   Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online […]

  • AIKO, nanawagan na maging mas mabait at maunawain sa mga delivery riders; never siyang nang-away o nag-report

    NAG-POST ang premyadong Kapuso actress na si Aiko Melendez ng kanyang saloobin at panawagan na rin sa lahat na palaging nagpa-deliver online.     Sa official Facebook page niya, may pakiusap siya na sana mas maging mabait at maunawain tayo sa mga riders, lalo na sa panahon ng pandemya.     Aminado naman si Aiko […]

  • 60 dating drug users nagtapos sa rehab program ng Navotas

    UMABOT sa 60 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.     Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at isa pang anim na buwang aftercare.     Kasama sa batch ng rehab completers ang […]