• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Preparasyon sa SONA 2023, sinimulan na

NAGSAGAWA  nang pagpupulong ang Kamara, representante mula sa Office of the Presidential Protocol at Senado para sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos.

 

 

Kasama sa tinalakay ang mga plano, pagsasaayos at ideya sa nasabing kaganapan.

 

 

Ayon kay HRep Secretary General Reginald Velasco, ang pagtalakay sa mgaplano at ideya ay upang gawing mas memorable at maganda ang SONA ngayon taon.

 

 

Inihayag naman ni Chief of Presidential Protocol (COPP) Adelio Angelito Cruz na ipapaabot niya sa pangulo ang mga natalakay na oplano at ideya sa nasabing pagpupulong.

 

 

Dala na rin sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga nagnanais dumalo ng pisikal sa sona at limitadong espasyo sa plenaryo, sinabi ni Secretary General Velasco na pinag-usapan at inaprubahan naman ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatalaga ng mga karagdagang kuwarto sa Batasan Complex para ma-accommodate ang dagdag na bisita.

 

 

Sa susunod na pagpupulong ay inaasahan na matatalakay naman ang inisyal na mga ipinatupad na plano ng kamara para sa Sona.

 

 

Ang SONA, na gagawing livestreamed, ay nakatakda sa Hulyo 24, 2023 (Lunes). (Ara Romero)

Other News
  • PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM

    PATULOY ang ginagawang paghahanda ng  Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022.     Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander […]

  • Matagal na pinag-isipan at umabot ng isang taon: LIZA, nagsampa ng 78 counts ng cyber libel case laban sa Pep.ph

    NAGSAMPA na kahapon, May 24 ng 78 counts ng cyber libel case si former FDCP chairperson Liza Diño-Seguerra laban sa entertainment website na Pep.ph at mga taong involved tungkol sa paglabas ng serye ng malicious articles noong 2023. Sa nilabas na statement ng actress at asawa ni OPM Icon Ice Seguerra… “In May of last year, I was ambushed […]

  • Swiatek at Nadal hinirang bilang world champions ng ITF

    TINANGHAL bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek.     Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.     Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang […]