Pres. Biden magpapadala ng COVID-19 vaccines sa India
- Published on April 29, 2021
- by @peoplesbalita
Inaayos na raw ni U.S. President Joe Biden ang mga ipapadalang coronavirus vaccines sa India.
Kasabay na rin ito ng paghihirap na nararanasan ngayon ng nasabing bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso doon ng nakamamatay na virus.
Ginawa ng Democratic president ang anunsyong ito matapos sabihin ng Estados Unidos na maglalabas ito ng 60 milyong AstraZeneca vaccine para ipamahagi sa ibang bansa sa oras na sumailalim ang mga ito sa safety inspection ng health authorities.
Ang nasabing doses ay kumakatawan sa buong AstraZeneca vaccine stock ng Amerika na hindi nabigyan ng emergency use approval. Sa ngayon ay ang mga bakuna na gawang Moderna, Pfizer-BioNTech, at Johnson & Johnson ang ipinamamahagi ngayon sa U.S.
Hindi naman sinabi ni Biden kung anong bakuna ang ipapadala sa India, subalit nakausap na niya tungkol dito si Indian Prime Minister Narendra Modi.
“The problem is right now we have to make sure we have other vaccines like Novavax and others coming on probably, and I think we’ll be in a position to share vaccines as well as know-how with other countries who are in real need,” ani Biden.
“That’s the hope and expectation, and I might add when we were in a bind at the very beginning India helped us,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyan ay mahigit 17 milyon na ang kaso ng coronavirus sa Amerika habang ang death toll naman ay pumalo na ng 200,000.
Ang pagsirit ng COVID cases sa India ay nagbunsod sa kakulangan ng bansa sa oxygen supply, hospital beds at life-saving drugs.
Una nang natanggap ng India ang emergency medical supplies mula sa United Kingdom na binubuo ng 100 ventilators at 95 oxygen concentrators.
-
“Damhin ang pagpapala at pagpapagaling ng Diyos”- Fr. Pascual
ITO ang paanyaya ni Radio Veritas President Fr. Anton Pascual sa mananampalataya sa Mary and the Healing Saints Exhibit ng himpilan katuwang ang Fisher Mall, Quezon City. Ayon sa pari, katuwang ng mga may karamdaman ang Mahal na Ina at mga banal sa pagdulog sa Diyos para sa kagalingan at kalusugan. […]
-
Mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal suportado paghahanap ng PNP sa wanted na si Pastor Quiboloy
NAGSAMA-sama ang lider ng iba’t ibang partidong pampulitika sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang suportahan ang Philippine National Police (PNP) asa ginagawa nitong paghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado. Ang alyansa, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni […]
-
Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’
BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias. Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito. “Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, […]