Pres. Duterte may tulong na ibibigay sa mga locally stranded individuals
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.
May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada natutulog sa labas ng airport terminals.
Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, napansin ng pangulo ang kaawa-awang kalagayan ng mga LSI na doon na sa gilid ng kalsada natutulog.
Kung maaari aniya na matanggal ang mga establishimento sa harap ng paliparan para malagyan ng mga upuan.
Ipinag-utos din ng pagulo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na kausapin ang lahat ng mga locally stranded individuals at sasagutin na ng pangulo ang mga pagkain at matutuluyan ng mga ito. (Daris Jose)
-
PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]
-
DOTr: PNR Lucena-San Pablo line on track
ANG Department of Transportation (DOTr) ay nagsabing ang pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo line ay tamang-tama sa pagtatapos ng pamunuan ni President Duterte. “The PNR Lucena-San Pablo line would be reopened in the coming days. The reopening of the line will usher in economic and tourism growth in the […]
-
2 lalaki na nasita sa damit, huli sa P52K shabu sa Caloocan
SA loob ng kulungan humantong ang paggala ng dalawang lalaki nang mabisto ang dala nilang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na damit sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]