Pres. Duterte may tulong na ibibigay sa mga locally stranded individuals
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.
May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada natutulog sa labas ng airport terminals.
Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, napansin ng pangulo ang kaawa-awang kalagayan ng mga LSI na doon na sa gilid ng kalsada natutulog.
Kung maaari aniya na matanggal ang mga establishimento sa harap ng paliparan para malagyan ng mga upuan.
Ipinag-utos din ng pagulo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na kausapin ang lahat ng mga locally stranded individuals at sasagutin na ng pangulo ang mga pagkain at matutuluyan ng mga ito. (Daris Jose)
-
Kaya hanggang ngayon ay marami pa rin ang nega comments: ALEX, parang pinapangatawanan pa ang mga hirit base sa tweet niya
MAGANDA ang naisip na concept ni Aiko Melendez sa kanyang Youtube channel. Ang ininterview niya ay ang anak nila ni Jomari Yllana na si Andre Yllana. May mga tanong na do’n lang daw naibato ni Aiko kay Andre. Isa na rito ‘yung tungkol sa damdamin ni Andre sa ama. […]
-
Deontay Wilder nakalabas na ng ospital, magpapagaling pa sa pagkabasag ng kamay
Nakalabas na umano ng ospital si Deontay Wilder, dalawang araw matapos na lumasap ng matinding pagkatalo kay WBC champion Tyson Fury na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas nito nakalipas na Linggo. Gayunman kinakailangan pa nitong magpagaling ng husto dahil sa pagkabasag ng kamay bunsod na rin ng brutal fight kay Fury, […]
-
P750k ibibigay ng PSC kay Yulo
Kagaya noong 2019, muling binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng espesyal na cash incentives si 2021 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist Caloy Yulo. Inaprubahan kahapon ng PSC Board ang insentibong P500,000 para sa gold at P250,000 para sa silver medal na nakuha ni Yulo sa nakaraang world championships sa Kitakyushu, Japan. […]