• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pres. Duterte sa mga kapulisan at militar: ‘Ituloy lang ang laban vs droga’

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapulisan at militar na ipagpatuloy ang kampanya laban sa iligal na droga.

 

 

Sa kanyang public briefing nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na nababahala siya sa patuloy na pamamayagpag ng iligal na droga kahit patuloy ang paglaban ng gobyerno.

 

 

Kahit na makailang beses na aniya nitong binalaan ang mga durugista ay patuloy ang pananalasa nito sa pagsira sa buhay ng ilang kababayan.

 

 

Ikinatuwa naman ng pangulo na nililinis din naman ng mga kapulisan at militar ang kanilang hanay para tuluyang masawata ang iligal na droga.

 

 

Kahit aniya na paalis na ito sa puwesto ay sinabi nito sa mga men in uniform na dapat ipagpatuloy ang paglaban sa iligal na droga.

 

 

Inamin pa ng pangulo na tila namaliit niya ang lagay ng iligal na droga sa bansa kung saan sinabi nitong kaya niyang pahintuin ito ng hanggang anim na buwan. (Daris Jose)

Other News
  • TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3

    Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).     Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264. […]

  • Psalm 18:1

    I love you, O Lord, my strength.

  • Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo

    HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na […]