• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President Duterte pinasiyanan ang bagong Skyway 3

Highways (DPWH), Citra Central Expressway Corp. at San Miguel Holdings ang siyang nagbigay daan upang mabuksan ang 19-kilometer segment ng Skyway na tumatahak mula sa Buendia, Makati hanggang North Luzon Expressway.

 

Dugtong pa ni Tugade na mayron na tayong tulo-tuloy na 35-kilometer elevated expressway na derechong magdudugtong sa Alabang at Balintawak.  Kung kaya’t walang duda na makakatulong ito ng malaki sa magandang takbo ng kalakalan at tao mula sa north papuntang south at sa Metro Manila.

 

Sinigurado din ni Tugade ang publiko na ang kanyang administrasyon ay patuloy na gagawin ang Build, Build, Build program na may pinakamatas na antas ng integredad, walang tinatago at may pananagutan.

 

Samantala, pinaalalahanan din niya ang mga kasama niya sa pamahalaan na maging responsible at hindi lamang masigurado ang tamang pagtatapos ng lahat ng pampublikong infrastructure projects at hindi rin magbigay ng inconvenience sa publiko sa loob ng pagtatayo ng ano mang proyekto.

 

Pinasalamatan din niya ang CITRA at San Miguel Corp. sa pagtitiwala sa kanyang administrasyon at kung saan nya sinabi na nagbunga na ang kanilang investment.

 

“The Skyway shall serve as an enduring edifice of the legacy that we will leave behind for future generations of Filipinos,” ayon pa rin kay Duterte.

 

Pinasalamatan din niya ang lahat ng Filipino dahil sa kanilang hindi mapapantayang kontribusyon sa pagsisikap ng pamahalaan upang magkaron ng isang maunlad na pamayanan.

 

“It is my hope that your deep sense of patriotism and social responsibility will serve as an inspiration to other captains of industry to actively participate in our shared task of nation building,” saad ni Duterte.

 

Sa mensahe naman ni DPWH Secretary Mark Villar ay kanyang sinabi na nabigay na ni President Duterte ang kanyang pangako na maalis ang traffic sa EDSA sa pamamagitan ng Skyway 3.

 

Ayon kay Villar noong 2016 kung saan siya nagumpisa sa DPWH, ang congestion level sa Metro Manila ay 71 percent, pangalawa sa pinakamatindi ang trapiko sa buong mundo kung saan ang Pilipinas ay nawawalan ng P3.5 billion na kita kada araw. Subalit ngayon 2022 ay hindi na ganito dahil sa political will ni President Duterte.

 

Dahil sa proyekto, ang DPWH ay nag relocate ng 47 National Grid Corp poles at 1,312 Manila Electric Co. poles upang magawa lamang ang proyektong ito. Noong 2017, ang nasabing proyekto ay may 8.64 percent lamang na right-of-way na kinakilangan para sa lahat ng alignment ang nagawa.  (LASACMAR)

Other News
  • Gugulatin ang mga fans sa ginawa sa ‘Broken Blooms’: ROYCE, hinangaan sa makatotohanang pagganap sa nakapag-iinit na eksena

    HINDI matapus-tapos ang mga achievements ni Dingdong Dantes.     Panibagong karagdagan sa listahan ng mga accomplishments ng GMA’s Primetime King at ‘Family Feud’ host ang pagiging honorary member niya sa Philippine Military Academy.     Base sa post ni Dingdong sa kanyang Instagram account, siya ay isa na ngayong honorary member ng PMA Sanghaya […]

  • Magkikita-kita muli – Jimmy Alapag

    HINDI pamamaalam at sa halip ay pagkikitang muli sa lalong madaling panahon ang minensahe ni dating ASEAN Basketball League (ABL)-San Miguel Alab Pilipinas coach at Philippine Basketball Association (PBA)-San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag sa paglisan niya at kanyang pamilya para bumalik sa Estados Unidos ng Amerika.   “Hard to put into words the […]

  • Feeling legit rock star ang ‘Bagong Oppa Ng Bayan’: DAVID, dream come true na mag-perform sa big crowd

    FEELING legit rock star ang chinito hunk at ‘GoodWill’ bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored jowa at co-star na si Devon Seron sa NET25 Summer Blast music festival, na tinanghal sa Philippine Arena last weekend, May 13. Mahigit 150,000 ang nagpunta sa summer shebang sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan […]