• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President-elect Marcos, tiwalang magiging mahusay na vice president si Sara Duterte-Carpio

TIWALA si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging mahusay ang ibibigay na serbisyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga Pinoy.

 

 

Ito ang naging reaction ng papasok na pangulo ng bansa kasabay ng inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City noong Linggo.

 

 

Ayon kay Marcos, proud daw ito sa kanyang running mate noong May 9 elections at alam niyang magiging mahusay itong pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.

 

 

Si Marcos ay present sa inauguration ceremony sa Davao City kasama ang kanyang asawang si Attorney Liza Araneta-Marcos, anak na si incoming Congressman Sandro Marcos at incoming Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez.

 

 

Kung maaalala, nanalo sa pamamagitan ng landslide ang mag-tandem sa katatapos na halalan.

 

 

Kasunod nito ay agad pinili ni Marcos si Duterte-Carpio na pamunuan ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 24, 2023

  • PDu30, binalaan ang mga byahero laban sa pagpi-prisinta ng pekeng negative COVID-19 test results

    BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga travelers o byahero laban sa pagpapakita o pagpi-prisinta ng “pekeng” negative COVID-19 test results lalo na sa mga tourist spots ng bansa.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inatasan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at lahat ng […]

  • Ads September 29, 2021