President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho
- Published on July 2, 2022
- by @peoplesbalita
DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.
Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan.
Pinangunahan ito nina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Orlando Quevedo.
Nakasuot ng working short sleeves na barong sina Marcos at Duterte sa nasabing aktibidad.
Bigla namang dumami ang mga tao sa labas ng National Shrine, makaraang mabalitaan na naroon ang dalawang pinakamataas na lider ng ating bansa.
Ang San Miguel Church ay nasa loob ng Malacanang complex sa lungsod ng Maynila. (Daris Jose)
-
Pagtatayo ng mga tulay sa NCR, kasama sa plano ng DPWH
PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na gumawa ng tulay na mag- uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila. Bunsod ito nang patuloy pa ring nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region. Sa Post SONA Economic briefing, tinuran ni Bonoan na balak nilang itayo ang mga tulay mula sa […]
-
Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin
NAGBITIW na sa kanyang tungkulin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa medical reasons. Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na naghain ng kanyang resignation letter si Cruz-Angeles ngayong araw ng Martes, Oktubre 4. “We’re still in the process of helping the Office address her resignation today. […]
-
‘Temporary relief measures’ hinahanapan para maibsan ang impact ng oil price hike – DOE
HUMAHANAP na ng temporary relief measurs ang Department of Energy (DOE) para maibsan ang impact ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba pang mga kagawaran para maipatupad ang whole-of-government approach para sa relief measures sa […]